1 PATAY SA FLUVIAL PARADE SA TAGUIG

PATAY ang isang lalaki nang magbanggaan ang dalawang bangkang lumahok sa Fluvial parade na nauwi sa trahedya sa Taguig River Festival noong Martes.

Kinilala ang biktimang si Jester Romero, 30, pasahero ng isa sa mga bangkang nagbanggaan.

Ayon sa ulat, si Romero ay nawawala ngunit dahil sa masigasig na rescue/retrieval operations ng mga kinuukulan, natagpuan ang kanyang katawan mula sa anim na talampakang lalim ng ilog malapit sa tulay dakong alas-sais ng umaga nitong Miyerkoles.

Ang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bantay Lawa ng local government ay naghanap sa biktima sa loob ng 12 oras bago natagpuan ang kanyang labi at muling nasilayan ng kanyang pamilya.

Ayon sa Taguig City LGU, ang aksidente ay nangyari dakong alas-5:46 ng hapon noong Martes habang ang dalawang bangka ay pabalik at pauwi na.

Naunang lumubog ang kabilang bangka kaya nataranta ang mga pasahero ng bangkang nakabanggaan nito na kinaroroonan ni Romero na naging dahilan ng paglubog din nito. (DAVE MEDINA)

262

Related posts

Leave a Comment