TILA hindi na maawat ang pagdami ng COVID-19 cases sa Valenzuela City, na ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit ay 179 na.
Ayon sa CESU, hanggang alas-11:59 ng gabi noong Hulyo 26 ay 151 sa active cases ang naka-home quarantine, 23 ang nasa isolation facility at lima ang nasa ospital.
Pumalo na sa 44,653 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 32 ang nagpositibo, habang 43,535 ang recovered matapos na may 18 gumaling at hindi naman nadagdagan ang 939 death toll.
Isinisisi naman ng ilang residente ng lungsod ang pagsirit ng active cases sa hindi na pagsunod ng marami sa health and safety protocols, partikular na ang pagsusuot ng face mask. (ALAIN AJERO)
