1 PATAY SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang 48-anyos na rider nang makasalpukan nito ang motorsiklo ng isa pang rider sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rommel Añunuevo y Andaleon, may asawa, ng Brgy. Taywanak Ibaba, Alfonso, na idineklarang dead on arrival habang ang driver ng isa pang motorsiklo ay kinilalang si Orland Rollon y Cruzada, binata, nasa hustong edad, ng Brgy. Taywanak Ibaba, Alfonso, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Deverson De Vera Salinas ng Alfonso Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Suzuki Smash patungo sa south direction habang opposite direction naman si Rollon na minamaneho ang kanyang motorsiklong Honda Wave, at kapwa binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Tawaynak Ibaba, Alfonso, Cavite dakong alas-8:00 ng gabi.

Subalit pagsapit sa lugar ng nasabing insidente ay nagsalpukan ang dalawang motorsiklo na nagresulta sa pinsala sa ulo ng biktimang hindi umabot nang buhay sa Dr. Poblacion Hospital. (SIGFRED ADSUARA

153

Related posts

Leave a Comment