10 ARESTADO SA P2-M DROGA SA CAINTA

RIZAL – Arestado ang 10 katao nang makumpiskahan ng P2 milyong halaga ng ilegal na droga ng magkasanib na puwersa ng PNP-DEG at Cainta PNP kahapon ng umaga sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga arestado na sina Marco Angelo Zarate, 46; Twixx Leyson, 30, call center agent; Angelo Reyes, Dennis Reyes, Christian Evangelista, Victor Dax Jose, 49; Roderick Rendal, Janeth Salasibar, 41; Mary Lou Cruz, at Allan Garol, 51, pawang mga residente ng Rizal.

Dakong 6:00 ng umaga noong Disyembre 4 nang madakip ang mga suspek sa buy-bust operation na inilatag ng PNP-DEG, CAINTA PNP at Special Operation Unit ng Calabarzon 4A sa Ortigas Extension, Cainta.

Nakumpiska sa mga ito ang 300 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Bukod sa, droga nakuha rin sa mga ito ang ginamit na sasakyang Honda City Car, 5 cellphones at buy-bust money.

Nakapiit na sa detention cell ng pulisya ang mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 2002. (KNOTS ALFORTE)

174

Related posts

Leave a Comment