100% CAPACITY NA SA ESTABLISHMENTS

PINAPAYAGAN na ng gobyerno ang lahat ng establisimyento sa mga lugar na nasa Alert Level 1 na mag-operate “at full capacity” subalit kailangan na may proof of vaccination na maipapakita.

Ito’y matapos amiyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), noong Sabado, ang guidelines ukol sa Nationwide Implementation of Alert Level Systems for COVID-19.

Kinikilala kasi ng government pandemic task force ang pangangailangan na i-identify ang mga establisimyento at/ o mga aktibidad na pinapayagan na mag-operate, o isinasagawa sa Alert Level 1.

Ang public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 ay pinapayagan na rin sa “full seating capacity.” (CHRISTIAN DALE)

151

Related posts

Leave a Comment