100 IMMIGRATION OFFICERS, NATUWA KAY GRIFTON MEDINA

IMBES na paghihiganti laban sa mga umapi at nag imbento na may ginawang katiwalian ay maganda pa rin ang ginawa ni Senior Immigration Officer, Grifton Medina matapos itong makabalik matapos ang 6 months preventive suspension na ipinataw sa kanya at sa iba pang dating ­opisyales ng BI- Ports Operations Division (POD) ng Office of the Ombudsman matapos ang mala ­teleseryeng palabas sa Senado sa Pastillas Scheme na sinakyan ng ilang pulitiko para sa kanilang political agenda.

Ayon sa mga Immigration Officers na nag text sa Bistador kanilang pinasalamatan si Medina dahil sa dedikasyon at malasakit umano nito para sa kanila dahil nilakad nito na mapabilis ang paglabas ng Appointment ng bagong immigration employees mula kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevara dahil na rin sa kakulangan ng mga immigration officers sa lahat ng Ports sa bansa.

Ayon sa Press Release ng ahensya 94 dito ay ang mga dating contractual employees na nakakuha ng plantilla bilang Immigration Officer 1 at 6 namin ang nabigyan ng promotion.

Ano nga ba ang naging accomplishments ng dating itinalagang officer in charge ng Personnel sa mahigit anim na buwan nito na paghawak sa Personnel na si Atty. Archimedes Cano? Ayon sa nakalap nating impormasyon mula sa DOJ ay hindi umano nagustuhan ni Secretary Guevara ang ibinigay na listahan ni Cano sa mga nabakanteng plantilla na ginawang selective na maaring katropa nito ang kanyang inilagay at hindi binigyan ang kalihim ng maaring pagpilian nito.

Hmm… Pero bakit kaya hanggang ngayon ay hindi sinusunod umano ni Cano ang Department Order na ipinalabas kamakailan ni Secretary Guevara na bumalik na ito sa kanyang mother unit sa Port Operations Division sa Airport? Ilang beses ko na din nakaharap itong si Cano noon sa main office ng BI kung saan napaka ganda ng rubber shoes nito na habang naglalakad ay parang sapatos ng sanggol na bawat hakbang ay tumutunog.

Samantala, Sinabi rin sa atin ng isang immigration ­employee na si alias PV na hindi pa rin matahimik sa kanilang messenger group at tila hindi matanggap ng dalawang immigration officers ang kanilang pagkabigo matapos makabalik sa puwesto si Grifton Medina. Matatandaang nakipag sabwatan itong sina alias CM at ­Macho Chiquito sa isang pulitiko at sa sindikato upang siraan ang ahensya at makuha nila ang airport. Kung saan ay nakita pang nakipagkita umano si Macho Chiquito sa isang ­dating Under Secretary ng DOJ upang planuhin ang kanilang maitim na balak na sa huli ay luhaan silang hindi nagtagumpay.

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

oOo

(Ang mga ipinapahayag sa artikulong ito ay SARILING OPINYON NG SUMULAT at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI NGAYON – patnugot).

296

Related posts

Leave a Comment