CLAIMANT NG TANGKANG SMUGGLING NG WILDLIFE SPECIES HULI SA BOC, DENR

Arestado sa mga tauhan ng Bureau of Customs Port of NAIA sa tulong na rin ng Wildlife Traffic Monitoring Unit (WTMU) ng Department of Environment and National Resources (DENR), ang claimant ng bagahe na naglalaman ng iba’t ibang wildlife species sa Fedex warehouse sa Pasay city kamakailan.

Dakong alas-6:15 ng gabi noong Mayo 28, 2021, isang kinatawan ng consignee ang nag-claim ng parcel at agad siyang inaresto ng mga awtoridad.

Ang parcel ay dumating mula Kuala Lumpur, Malaysia na unang idineklara bilang “lego toys”.

Kaugnay nito, sa isinagawang eksaminasyon ay nadiskubre ang dalawampung (20) piraso ng sulcata tortoise, 10 piraso ng razorback turtle, 1 ulo ng red bearded dragon, 2 ulo ng corn snake at 8 ulo ng savanna lizard na nakalagay sa lagayan ng nasabing laruan.

Ang nasabing claimant na hindi muna binanggit ang pangalan at lahat na sangkot sa iligal na importasyon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Wildlife species sa ilalim ng Section 1113.

Ito ay may kaugnayan sa Section 117 at 1401 of RA 10863. o “Customs Modernization and Tariff Act” at Sec. 27 ng RA 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”

Ang Port of NAIA sa pamumuno ni District Collector Carmelita M. Talusan ay buong suporta kay Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa kanyang direktiba na pinaigting na border protection at pakikiisa sa paninindigan sa wildlife protection at kanilang konserbasyon.

189

Related posts

Leave a Comment