BUKAS ang Inter-Agency Task Force sa panukala ni Presidential Adviser Joey Concepcion na dagdagan na ang capacity sa mga workplace.
Ito’y kapag 80 porsiyento na ng isang establisimyento ang nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala pang natatalakay na gayung usapin sa IATF pero tiyak aniyang maikokonsidera ito.
Kaugnay nito’y makabubuting sumulat din aniya si Concepcion sa IATF para sa posibilidad na ma-adopt ang naturang panukala.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Sec. Roque na wala pa naman siyang nalalamang establisimyento na may 80% nang bakunado na mga empleyado. (CHRISTIAN DALE)
137 