100 ZONE CHAIR SA MAYNILA PINAKILOS VS ‘BIG ONE’

HINIMOK ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mahigit 100 zone chairmen ng lungsod na bumuo ng kani-kanilang disaster preparedness plan at magsagawa ng regular simulation drills para maprotektahan ang mga Manileño sa posibleng pinsalang dulot ng malakas na lindol, gaya ng tinaguriang “The Big One.”

Sa pagpupulong noong Martes, Oktubre 21, binigyang-diin ni Yorme Isko na kahit pinalalakas ng lokal na pamahalaan ang mga programa sa disaster readiness, ang tunay na kahandaan ay dapat magsimula sa komunidad mismo.

“Come up with a plan,” ani Isko. “Gumawa kayo ng paraan, paano natin mapapalabas ang taong-bayan at maging bahagi sila ng kasanayan.”

Binalaan din ng alkalde ang mga opisyal hinggil sa mga babala ng mga eksperto na maaaring tumama sa Metro Manila ang magnitude 7.2 na lindol sa kahabaan ng West Valley Fault.

“Mga siyentipiko na ang nagsasabi na magkakaroon ng casualty. The problem is the numbers — the projected numbers in Metro Manila, eh medyo hindi maganda,” sabi ni Yorme.

Pinaalalahanan ni Isko ang mga zone chairmen na ang serbisyo publiko ay hindi para sa mahina ang loob.

Hinikayat din ng alkalde ang mga lider ng sona na makipagpulong sa mga barangay at residente para bumuo ng mga mekanismo ng pagtugon sa sakuna, at magsagawa ng zone-level earthquake drills sa iba’t ibang oras ng araw para mas maging handa.

(JOCELYN DOMENDEN)

10

Related posts

Leave a Comment