1,034 CHAINSAW, TIMBOG SA MICP

boc

MALAKING perwisyo sa mga nalalabing kagubatan sa bansa ang naiwasan kasunod ng pagkabulilyaso ng tangkang pagpasok ng isang dambuhalang container na naglalaman ng hindi bababa sa 1,034 pirasong chainsaw na karaniwang gamit ng mga sindikato sa likod ng operasyon ng illegal logging sa mga kabundukan.

Sa isang kalatas ng Bureau of Customs (BOC), tagumpay ang inilunsad na operasyon ng Enforcement

and Security Service-Environmental Protection and Compliance Division (ESS-EPCD) ng Manila International Container Port (MICP),
makaraang matukoy ang kargamentong saad ng isang intelligence report kaugnay ng kontrabandong inangkat mula sa bansang China ng JJJJ Enterprises.

Sa tala ng ahensya, aabot sa 667 kartong nag­lalaman ng 1,034 pirasong smuggled chainsaw na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 milyon ang nasabat matapos isailalim sa physical examination ang mga binanggit na kargamento.Batay sa imbestigasyon, lumalabas na walang kau­kulang importation permit  mula sa Forest Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kargamentong nakapangalan sa JJJJ Enterprises.

Bukod sa nasamsam na chainsaw, nakatakda na rin ang paghahain ng patung-patong na kaso kaugnay ng Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at RA 9175 (Chainsaw Act of 2002) ang nasabing kumpanya sa likod  ng iligal na importasyon.

194

Related posts

Leave a Comment