106 TRABAHO Party-list, TOP 3 SA WR NUMERO SURVEY

DALAWANG linggo bago ang halalan, namayagpag ang 106 TRABAHO Party-list bilang Top 3 sa Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na inilabas ng WR Numero Research (WRN) para sa Metro Manila.

Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng TRABAHO Party-list, bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN. Tinangkilik din ang 106 TRABAHO maging sa Mindanao kung saan ito ay napabilang sa Top 5 party-list.

Sa national cluster, umangat sa ika-13 pwesto ang 106 TRABAHO mula sa ika-50 na dating pwesto.

Ang nasabing survey ay nilahukan ng halos 1,894 rehistradong botante nitong Marso 31 hanggang Abril 7.

Sa nalalapit naman na Labor Day, pinagtibay ng 106 TRABAHO Party-list ang kanilang adhikain na isulong ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, pati na rin ang kanilang patas na oportunidad sa trabaho.

80

Related posts

Leave a Comment