11 DALAGITA MINOLESTIYA NG MANYAK NA EX-SEAMAN

NASUKOL nang pinagsanib na puwersa ng Manila Police District-Special Mayors Reaction Team (SMaRT) at mga tauhan ng MPD-Sampaloc Police Station 4, ang isang 45-anyos na dating seaman makaraang ireklamo ng pagmolestiya sa 11 dalagitang may edad na 12-anyos hanggang 16-anyos, na nakilala niya sa Facebook, nitong Lunes ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Iniharap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  ni P/Major Rosalino Ibay Jr., hepe ng SMaRT, ang suspek na si Francisco Zorillo y Panaguiton, binata, ng #943-B Maceda St., Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat ni P/Major Ibay, natimbog nila si Zorillio bandang alas-10:45 ng gabi sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at Nicanor Reyes St., sa Sampaloc.

Sakay ng puting Suzuki Ertiga (NBI 8034) ang suspek para i-meet up ang isang biktima ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nakapag-sumbong na ang magulang ng isang menor de edad sa SMaRT.

Nakumpiska sa suspek ang isang granada, tatlong cellular phone, isang hindi gamit na condom, petrolium jelly, P3,100 cash money, tatlong identification card, dalawang Smart pre-paid sim card at dalawang bote ng alak.

Nauna rito, noong Enero 30 nang maghain ng reklamo ang mga magulang ng 11 menor de edad matapos  magbigay ng kani-kanilang salaysay.

Nabatid na modus operandi ng suspek na maghanap ng kanyang bibiktimahin sa Facebook, makikipagkaibigan muna at kapag nakuha ang tiwala ng dalagita ay saka imi-meet up.

“Sisilawin sa pera, tapos papakainin sa Mcdo at saka dadalhin sa motel, ang masakit nito lahat ng biktima niya ay dinadaliri muna ng ilang oras bago ipapasok ‘yung ari niya at pagkatapos bibigyan ng P1,000 ‘yung bata,” ayon kay Ibay.

Nalaman na ang 11 biktima ay minolestiya sa magkakahiwalay na insidnete mula noong 2019.

Kasabay nito, nanawagan si Moreno sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng Facebook upang hindi mapariwara.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong abduction with rape in relation to R.A. 7610, P.D. 1866 as ammended by R.A. 9516, reckless imprudence resulted in multiple physical injuries with damage to property, direct assault at iba pang paglabag sa ilalim ng Revised Penal Code. (RENE CRISOSTOMO)

425

Related posts

Leave a Comment