11 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

UMABOT sa 11 ang patay sa COVID-19 sa Caloocan City, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit.

Umakyat sa 1,597 ang total death sa lungsod noong Nobyembre 21 mula sa 1,586 noong Nobyembre 12. Bumaba naman sa 137 ang active cases sa lungsod mula sa dating 240.

Umabot na sa 61,555 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 59,821 na ang gumaling

Samantala, isang COVID-19 patient naman sa Barangay Acacia, Malabon City ang namatay noong Nobyembre 21.

Ayon sa City Health Department, dalawa ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw, at sa kabuuan ay 21,262 ang positive cases sa lungsod, 37 dito ang active cases. Sa kabilang banda, walong pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling.

Sa kabuuan ay 20,577 ang recovered patients ng siyudad, habang umakyat sa 648 ang COVID death toll.

Habang 22 ang active COVID cases sa Navotas City noong Nobyembre 21 matapos na apat ang nagpositibo sa virus at tatlo naman ang gumaling.

Pumalo na sa 17,615 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 17,050 na ang gumaling at 543 ang namatay. (ALAIN AJERO)

119

Related posts

Leave a Comment