TARGET ng pamahalaan na bakunahan laban sa COVID-19 ang 11.11 milyong kabataan na may edad 0 hanggang 4 bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Ra Duterte, puntirya ng pamahalaan na mabakunahan ang 90 milyong Pilipino bago matapos ang Hunyo at kabilang na rito ang “youngest age group.”
“Ito po ang ating mga objectives: Unang-una, to vaccinate 90 million Filipinos before the end of June 2022. Number two, provide 72.16 million boosters for adult population ages from 18 years old and above. Number three, vaccinate 12.74 million or 12-17 years old with boosters,” ani Galvez.
“Number four, bakunahan din po natin ang 15.56 million na 5-11 years old with boosters. And also, we will vaccinate 11.11 million na 0-4 years old with primary series,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, gumagawa sila ng contingencies para matiyak ang suplay ng COVID-19 vaccines para sa 0-4 years old “as COVID-19 vaccine brands with formulation for children are only limited,” na aniya ay maaaring kapusin sa first quarter. (CHRISTIAN DALE)
205 