12 NA PATAY SA BAGYONG CRISING

UMABOT ng 12 indibidwal ang naiulat na nasawi habang pito ang sugatan sa pananalasa ng Bagyong Crising.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), 5 sa mga nasawi ang naitala mula sa Calabarzon Region o PRO 4A, tatlo sa Negros Island Region at tig-1 sa MIMAROPA, Northern Mindanao, Bangsamoro Autonomous Region at National Capital Region.

Sampu katao ay sinasabing namatay sa pagkalunod habang ang dalawa naman ay nabagsakan ng puno sa kanilang bahay.

Ang datos ay patuloy pa ring dadaan sa beripikasyon ng NDRRMC, ayon sa PNP.

Bukod sa mga nasawi, pito rin ang naitalang sugatan sa pananalasa ng sama ng panahon. (TOTO NABAJA)

30

Related posts

Leave a Comment