12-taon nagtago sa batas RAPIST NABITAG NG PNP-AKG

NAGWAKAS ang 12 taong pagtatago ng isang puganteng rape suspect makaraang masakote ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti- Kidnapping Group Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa law enforcement operation sa Pulang Lupa, Las Piñas City.

Ayon kay P/Gen. Estomo, natunton ng kanyang mga tauhan ang pinagtataguan ng suspek na si Joel Beron sa Anthony St., Saint Joseph Subd., Pulang Lupa 2 sa nabanggit na lungsod at inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ni PNP-AKG spokesman, P/Lt. Col. Rannie Lumactod, nagtago ng 12 taon si Beron matapos ipagharap ng kaso ng ina ng 8-anyos na batang babae na ilang beses umano nitong ginahasa sa Las Piñas City noong 2009.

Pansamantalang inilagak ni PNP-AKG team leader, P/Lt. Maleo David Manzano sa PNP-AKG headquarters ang suspek para sa kaukulang dokyumentasyon. (JESSE KABEL)

181

Related posts

Leave a Comment