120 COUPLES IKINASAL NANG LIBRE SA KASALANG BAYAN SA CSJDM

NASA 120 couples ang nakiisa sa “Kasalang Bayan” sa City of San Jose Del Monte Convention Center sa Barangay Sapang Palay, CSJDM, Bulacan nitong Linggo, Pebrero 27, 2022.

Ang naturang kasalan ay pinangasiwaan ni Born Again Christian Rev. Neil Muñoz sa inisyatibo ni Bulacan Governor Daniel Fernando bilang major sponsor o ninong kasama ang mga co-sponsors na sina Mayor Arthur Robes, Congresswoman Rida Robes, 4th District Board Members Alex Castro, Jonjon Delos Santos, Councilors Ian Baluyot at Mario Batuigas.

Kabilang sa mga bagong ikinasal ang 94-anyos na si Lolo Ponciano Tiglao at Lola Valeriana Tinio-Tiglao, retired teacher at kapwa residente ng Barangay Gaya-Gaya, CSJDM.

Ayon kay Lola Valeriana, kapwa sila biyudo at biyuda at nagsimula silang magsama 31 taon na buhat nang mamatay ang una nilang mga asawa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Fernando na hindi siya pabor sa divorce kung saan ipinaliwanag niya kung gaano kasagrado ang kasal na tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay.

Nitong nakaraang Linggo, Pebrero 21 ay nasa 210 couples naman ang ikinasal sa civil mass wedding sa Norzagaray, Bulacan sa pangunguna ni Mayor Alfred Germar kasama rin sina Fernando at Castro. (ELOISA SILVERIO)

559

Related posts

Leave a Comment