13 LUGAR SIGNAL NO 1 SA BAGYONG URSULA

(NI ABBY MENDOZA)

NASA 13 lugar na ang nasa Storm Signal No 1 matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ursula, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa).

Ang Public storm warning Signal No ay nakataas sa:

Sorsogon

Masbate including Ticao Island

Eastern Samar

Northern Samar

Samar

Biliran

Leyte

Southern Leyte

Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands, Camotes Islands)

Central Cebu (Balamban, Talisay, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu, Mandaue, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao)

northeastern Bohol (Inabanga, Danao, Dagohoy, Pilar, Guindulman, Anda, Candijay, Alicia, Buenavista, Jetafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, San Miguel, Ubay, Mabini, Pres. Carlos P. Garcia)

Dinagat Islands

Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente dahil sa mararanasang katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan na magdudulot ng pagbaha at landslides.

Ang bagyo ay namataan 900 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hangin na 65kph, bugso na 80kph at kumikilos sa bilis na 25kph.

Sa bisperas ng Pasko sa Martes, Dec.24 at sa mismong araw ng Pasko, ay asahan ang malalakas na ulan dala ng bagyo sa Kabisayaan.

Ayon sa Pagasa, bago ang pagtama sa kalupaan ng bagyong Ursula ay lalakas pa ito at magiging Severe Tropical Storm

Sa Eastern Visayas inaasahang maglalandfall ang bagyo, Martes ng gabi o sa mismong araw ng Pasko sa Miyerkules.

Sa Sabado ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

 

 

383

Related posts

Leave a Comment