13 oras ‘di sapat sa 64M botante – solons MARAMING ‘DI MAKABOBOTO SA 2022

(BERNARD TAGUINOD)

PANGAMBA ng mga militanteng kongresista, maraming hindi makakaboto sa nalalapit na halalan kung hindi magagawang palawigin ng ang 13 oras takdang haba ng pagboto.

Ayon kay House deputy minority leader Carlos Zarate, mismong ang Commission on Elections (Comelec) ang nagsabing hindi sapat ang 13 oras para sa 64 milyon botanteng magtutungo sa mga polling precincts pagsapit ng takdang araw ng halalan sa Mayo ng susunod na taon.

“Based sa dry run ng Comelec, average ng 15 to 20 minutes ang kailangan para matapos ang pagboto ng isang tao sa presinto dahil sa mga isasagawang health protocols,” ayon sa mambabatas.

Aniya, 800 ang takdang bilang sa bawat presinto batay na rin sa datos mula sa Comelec. Sa pagkukwenta ng Comelec, lumalabas na mayroon lamang 15 minuto ang bawat botante para tapusin ang paghahalal ng mga napupusuang kandidato.

Una nang itinakda ng Comelec ang botohang magsisimula ng alas-6:00 ng umaga at magtatapos pagsapit ng alas-7:00 ng gabi.

“Kaya natatakot din ang Comelec na kulangin ang oras ng botohan. Marami ang madi-disenfranchise na mga botante. Kaya namang i-extend ang oras ng botohan, pero kailangan ding dagdagan ang budget ng Comelec para dito for additional personnel and other needed resources,” ayon pa kay Zarate.

Bunsod nito, umapela ang militanteng kongresista sa mga senador na ibalik ang tinapyas na budget ng Comelec sa hangaring bigyang pagkakataon ang mas marami pang Pilipinong makapaghalal ng kanilang napupusuang kandidato.

131

Related posts

Leave a Comment