MATAGUMPAY na ipinagdiriwang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang kanilang 133rd Founding Anniversary nitong nagdaang Agosto 16 na ginanap sa SM Sky Hall, SM Seaside, South Road Properties, Cebu City.
Naging sentro ng selebrasyon ang temang: “We Take In On! The PRRDDirective, Professionalism, Reforms, Revenue, Diligence”.
Sinimulan ang okasyon ng isang misa sa Port of Cebu na dinaluhan ng mga empleyado nito.
Sa Fellowship Dinner at Recognition Night, ay pinangunahan ni Ms. Fe Lluelyn Toring ng Sub-port of Dumaguete, ang paghahatid ng kanyang ‘welcome remarks’ sa pagpapakilala kay Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza bilang keynote speaker.
Si Deputy Commissioner Donato B. San Juan ng Internal Administration Group (IAG), ang nagbigay ng mensahe para kay BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa kanyang keynote speech.
Tinaguriang top importers ang Port of Cebu ng mga Sub-ports nito na Mactan at Dumaguete para sa taong 2018 na nabigyan ng pagkilala bilang malaking kontribusyon sa revenue collection.
Samantala ang mga nagretirong employees nito mula 2018 hanggang Agosto ng taong kasalukuyan ay binigyan din ng pagkilala sa kanilang mahabang serbisyo.
Binigyan din ng pagkilala ang partners ng Port of Cebu na binubuo ng iba’t ibang organisasyon dahil sa kanilang naging suporta kaya naging matagumpay ang lahat ng proyekto ng nasabing pwerto.
Kilala rin ang lahat ng divisions ng Port of Cebu at ang Sub-ports ng Mactan at Dumaguete sa kanilang pagiging hardwork at commendable performance. (Boy Anacta)
