15 KATAO ISINELDA SA TUPADA, ONLINE SABONG

CAVITE – Arestado ng Cavite Police ang siyam katao makaraang maaktuhan na nagsasagawa ng tupada habang anim ang nadakip sa online sabong sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-11:00 noong Linggo ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Gen. Trias City Police hinggil sa isinasagawang tupada sa Brgy. Santiago sa nabanggit na lungsod.

Agad nagresponde ang mga awtoridad at nadakip ang limang kalalakihan habang nakatakbo ang iba.

Nagsagawa rin ng anti-illegal gambling operations ang Silang Police Station sa Sitio Banaba, Brgy. Ichican, Silang kung saan apat na kalalakihan ang inaresto sa aktong nagsasabong dakong alas-3:30 hapon.

Samantala, habang nagsasagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng Dasmariñas City Police Station nang naispatan ang ilang kalalakihan habang nagkukumpulan sa Brgy. Burol, Dasmariñas City, Cavite dakong alas-2:00 ng hapon.

Nang lapitan ng mga awtoridad, natuklasan na tumataya ang mga ito sa online sabong na nagresulta sa pagkakadakip sa anim na kalalakihan. (SIGFRED ADSUARA)

206

Related posts

Leave a Comment