TULIRO ang nasa 150 pamilya matapos lamunin ng apoy ang isang malawak na kabahayan sa lungsod ng Parañaque kahapon ng madaling araw.
Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dalawa katao ang iniulat na nasaktan sa insidenteng tumupok sa tinatayang 80 bahay na pawang yari sa light materials sa Barangay San Isidro, sa kahimbingan ng tulog ng mga residente bandang alas-2:00 ng madaling araw.
Pasado alas-4:00 ng madaling araw nang idineklarang “fire-out” ng nagrespondeng mga bumbero ang naturang sunog.
Pansamantala naman inilagak ang mga pamilyang nawalan ng bahay sa covered court sa naturang barangay, habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa hangaring tukuyin ang sanhi ng sunog. (LILY REYES)
236 