HINDI na pinahihintulutang makapasok sa bansa ang 160 foreign sex offenders, ayon sa kautusan ng Bureau of Immigration (BI).
Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI port operations division chief Grifton Medina, sinabi niya na ang nasabing bilang ng registered sex offenders (RSOs) ay blacklisted na sa bansa mula noong isang taon.
Ayon sa opisyal, bahagyang mas mataas ang bilang nito kumpara noong 2018 na may 145 aliens lamang.
Ang RSO ay ang mga dayuhan na nasentensiyahan ng sex crime sa kanilang bansa o nakalabas lamang sa kulungan dahil sa parole o probation.
Karamihan sa mga pedophiles ay kinasuhan at napatunayang nagkasala ng rape o pangmomolestiya sa mga menor de edad.
Sa statistics, lumalabas na 128 Americans ang nangunguna sa bilang ng mga RSO, sinundan ng 11 Britons, 6 Australians, 4 Chinese, at 2 New Zealanders.
Kasama rin sa listahan ang Cameroonian, Canadian, German, Guatemalan, Irish, Korean, Malaysian, Russian at Taiwanese. (JOEL O. AMONGO)
177