16K SUNOG NAITALA NG BFP NOONG 2019

AABOT sa labing anim na libong sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa nitong nakalipas na 2019.

Ayon kay Fire Senior Superintendent Gerandie Aganos, tagapagsalita ng BFP, mga kabahayan ang kadalasan na nasusunog.

Ito umano ang dahilan kaya inilunsad nila ang Oplan ligtas na pamayanan.

Sinabi ni Aganos na ang pangunahing dahilan ng sunog ay problema sa kuryente, upos ng sigarilyo na may siga at open fire.

Kaugnay nito, nagpaalala si Aganos sa publiko na laging isaisip ang acronym na “PADRE” o Prevention, Awareness, Detection, Reaction at Evacuate.

“Kung iiwasan po natin ito, mapi-prevent natin ang sunog, ikalawa, kung aware na sila na iyon pala ang hindi dapat gawin, eh di iwasan po nila yon. Kung tayo po ay mayroong fire alarm and detection system, meron po tayong opportunity to supress, to do somehing para alisin ang apoy. O kaya naman kung hindi kaya, kailangan ho mag-isip tayo ng dapat gawin at yon na yung R-Reaction, Fight or Flight, at kung hindi po natin kaya, Evacuate”, saad ni Aganos. JG TUMBADO

183

Related posts

Leave a Comment