17 PA PATAY SA COVID SA CAMANAVA

UMABOT sa 17 katao ang nadagdag sa mga namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area nitong Abril 27, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, anim ang patay sa Caloocan City at 1,673 ang active cases. Pumalo na sa 25,608 ang confirmed cases, sa bilang na ito ay 23,209 na ang gumaling at 732 na ang namatay.

Lima naman ang patay sa Valenzuela City at 1,043 ang active cases makaraang 167 ang nagpositibo at walo lamang ang gumaling.

Sumampa na sa 16,916 ang confirmed cases sa lungsod at sa bilang na ito ay 15,474 na ang gumaling at 399 na ang namatay.

Umakyat naman sa 395 ang COVID death toll sa Malabon City makaraang apat na pasyente ang namatay. Nadagdagan naman ng 68 ang confirmed cases at sa kabuuan ay 12,045 ang positive cases, 582 dito ang active cases.

Habang 76 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 11,068 na ang recovered patients ng Malabon City.

Dalawa naman ang namatay sa Navotas City at 675 ang active cases matapos na 132 ang gumaling at 75 ang nagpositibo.

Pumanhik na sa 10,296 ang confirmed cases sa siyudad at sa bilang na ito ay 9,298 na ang gumaling at 323 na ang namatay. (ALAIN AJERO)

127

Related posts

Leave a Comment