KALABOSO ang 17 katao bunsod ng ‘tupada’ at nasamsam sa kanila ang P7,620 cash, sa operasyon ng mga awtoridad nitong Linggo ng umaga sa Lungsod ng Pasig.
Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Raffy Amion, 29; Randy Lampayan, Demetrio Uribe, Marcelino Belarmino, Delfin Gadia, Jason Obarco, Robinion Mulano, Roberto Mulano, Angelo Lopez, Gregorio Copreira, 63-anyos; Luisito Tapan, Zaldy Tuazon, Arnold Regalario, Jeffrey Saballa, Jeffrey Jutay, Rey Mendezabal, 47, at Joel Asayas, 49-anyos, pawang nakatira sa lungsod na ito.
Base sa ulat ni PCP-8 P/Lt. Ruperto Martin Sazon, dakong alas- 11:00 ng umaga, nagsagawa sila ng anti-illegal gambling operation sa Sandoval Compound, Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod kaugnay sa reklamo na talamak ang ilegal na cock fighting sa lugar.
Nagsisigawan sa salpukan ng mga manok ang 17 katao nang dakpin ng mga awtoridad habang kinumpiska ang ilang mga manok at cash na nagkakahalaga ng P7,620 mula sa mga suspek.
Ayon kay Sazon, nakapiit na ang 17 mahilig sa sabong na sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) sa Pasig City Court. (KNOTS ALFORTE)
193
