1,738 KATAO HULI SA GUN BAN NG COMELEC

UMAKYAT na sa 1,783 indibiduwal ang naaresto dahil sa paglabag sa election arms ban sa buong bansa.

Batay sa pinakabagong datos na ipinalabas ng National Election Monitoring Action Center o NEMAC, Metro Manila pa rin ang pinakamaraming bilang ng mga nahuling pasaway na umaabot sa 603 indibidwal.

Sinundan ito ng Central Luzon o Region 3 na may 250 habang pangatlo ang Central Visayas o Region 7 na may 249 na huli.

Kabilang sa mga naaresto ang 9 na miyembro ng militar, 12 police personnel, 31 security guard, 9 na foreign nationals at 2 appointed government official.

Samantala,umabot na sa 1,825 na armas ang nasamsam mula sa checkpoint, police response at buy bust operation.

Batay pa sa ulat ng Philippine National Police (PNP), dalawang suspected election-related incident ang naiulat, isa sa Region XI at isa sa Region IV-A.

Gayun din, naitala ang 11 validated election-related incident na kung saan 5 insidente ang naitala sa BARMM, 2 sa Region VI at tig-isa sa Region I, IX, XII at Cordillera Autonomous Region (CAR).

(TOTO NABAJA)

51

Related posts

Leave a Comment