Bilang paghahanda sa Semana Santa, pinaigting ng Manila Electric Company (Meralco) ang wire-clearing operations nito malapit sa Antipolo Cathedral para masiguro na ligtas ang daraanan ng mga deboto at motoristang papunta at galing sa simbahan.
Pinangunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares at Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga ang isinagawang wire clearing operations noong Marso 27 sa kahabaan ng P. Oliveros Street. “Patuloy na makikipagtulungan ang Meralco sa mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga wire clearing operation tulad nito para masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad ngayong papalapit na ang Semana Santa,” ani Zaldarriaga.
Simula nitong taon, umabot na sa mahigit 25,000 kilo ng unauthorized wire attachment ang natanggal ng kumpanya bilang bahagi ng patuloy nitong pagsusumikap na mapanatili ang integridad ng mga pasilisad nito at masiguro ang pampublikong kaligtasan.
104 