LAGUNA – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 18-anyos na estudyante makaraang sumailalim sa hazing, sa bayan ng Kalayaan sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima sa pangalang Reymarc Rabutazo ng Barangay Longos ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, hindi kinaya ng biktima ang hazing na bahagi ng initiation rites para sa mga nagnanais maging miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.
Bagamat naisugod pa sa General Cailles Hospital sa Pakil, Laguna, idineklara namang dead on arrival ang biktimang ayon sa mga kasamahan ay nalunod lang sa ilog.
Subalit sa isinagawang imbestigasyon, lumabas na hazing ang dahilan ng pagkamatay ni Rabutazo na nakitaan ng mga pasa sa gawing hita.
Bagamat wala pang inaarestong suspek, tiniyak ng Kalayaan Municipal Police Station na nakikipagtulungan ang ilang kasapi at opisyal ng Tau Gamma Phi sa isinasagawang imbestigasyon. (CYRILL QUILO)
167
