18 EX-SUNDALO, BALIGOD AT DEFENSOR AÑO, SINAMPAHAN NG REKLAMO ANG SA DOJ

RUMESBAK si National Security Adviser Eduardo Año at naghain ng reklamo sa Department of Justice laban sa 18 dating sundalo, pati kina Atty. Levi Baligod at dating kongresista Mike Defensor.

Ito’y kaugnay sa alegasyong tumanggap umano siya ng pera sa sinasabing malawakang corruption scheme sa gobyerno.

Kinasuhan ni Año ang mga ito ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

“I have to protect my name. I will not sell my name to anyone,” ani Año, sabay giit na malisyoso at walang basehan ang paratang laban sa kanya.

Nagpahiwatig din siya na magsasampa pa ng hiwalay na reklamo para sa cyberlibel at perjury laban sa mga nag-akusa.

Iginiit ni Año na hindi siya kailanman dumalo sa anumang meeting kasama sina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima.

Binigyang-diin pa niya na bilang dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government, ipinatupad niya ang “no take, no gift” policy at ibinabalik ang anumang regalong natatanggap.

(JULIET PACOT)

36

Related posts

Leave a Comment