UMAKYAT na sa 107 ang namatay sa COVID-19 sa lungsod ng Malabon noong Hulyo 24, alas-10:00 ng gabi, makaraang madagdag ang 18 bagong namatay sa naturang sakit sa dating bilang na 89
noong alas-12:00 ng hapon noong Hulyo 21.
Iniulat ng City Health Department, 1,471 ang kumpirmadong kaso, sa nasabilang bilang ay 624 ang active cases.
Ang mga barangay na nagtala ng pinakamataas na active cases ay ang Potrero, 86; Longos, 58, at Tonsuya, 52.
Sa kabilang dako, 231 pasyente naman ang gumaling at sa kabuuan ay 740 na ang naka-recover.
Sa bagong Malabon Community Health Monitoring System, na bahagi ng “Trace, Test, Isolate, Treat” strategy ng lungsod, mas mabilis at accurate ang pagproseso ng mga datos na pumapasok mula sa 21 barangay health centers, Ospital ng Malabon, Pagamutang Bayan, at City
Epidemiological and Surveillance Unit (CESU), na nakatutulong sa monitoring ng City Health Department.
Kaugnay nito, 22 ang gumaling, 17 ang nagpositibo at isang pasyente ang namatay sa COVID-19 sa lungsod noong Biyernes.
Sumampa sa 1,382 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod, 651 dito ang active cases, 646 ang gumaling na, 85 ang namatay hanggang ala-8:30 ng gabi noong ng Hulyo 24.
“Limang araw na lang po, matatapos na ang ating lockdown. Pagkatapos ng July 29, sana po ay patuloy pa rin ang ating pag-iingat. Ang COVID-19 virus ay ‘di nakikita. Ang COVID-19 virus ay nakamamatay. Kaya ‘wag maging kampante, mag-ingat parati,” ani Mayor Toby Tiangco. (ALAIN AJERO)
