19 TIMBOG, 29 ARMAS KUMPISKADO SA BARMM GUN BAN

gun ban21

UMABOT sa 19 na indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban kaugnay ng nalalapit na BARMM Parliamentary elections.

Sa gun ban na ipinatupad simula noong Agosto 14, hanggang Setyembre 15, may kabuuang 19 na kasong paglabag ang naitala at 29 na iba’t ibang uri ng armas ang nakumpiska.

Ayon kay PRO-BAR spokesperson Lt. Col. Jopy Ventura, kabilang dito ang operasyon sa Brgy. Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao del Sur, kung saan dalawa katao ang naaresto.

Nakuha mula sa SUV ang apat na baril, dalawang 5.56mm rifles at dalawang kalibre .45 pistol na walang naipakitang kaukulang dokumento.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at sa umiiral na COMELEC gun ban.

(TOTO NABAJA)

149

Related posts

Leave a Comment