19 ‘TOKHANG COPS’ ABSWELTO SA KASO

PINAWALANG sala ng Quezon City Regional Trial Court sa 19 na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, limang taon na ang nakaraan.

Sa desisyong inilabas ni Judge Catherine Manodon, ng QC-RTC Branch 104, bigo umano ang prosekusyong patunayan ang isinampang kasong homicide sa 19 na akusado.

Kabilang sa mga inabswelto ng husgado sina dating CIDG Region 8 Director Chief Inspector Marvin Marcos, dating P/Supt. Santi Noel Matira, isa ring opisyal ng CIDG at 17 iba pa.

Si Matira ang sinasabing ang CIDG officer nagpapunta ng Scene of the Crime Operative (SOCO) bago pa man mapaslang ang noo’y alkalde ng Albuera.

Matatandaang si Espinosa ay kabilang sa mga alkaldeng idinawit sa kalakalan ng droga at ipiniit sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City kung saan naganap ang malagim na insidente.

Madaling araw ng November 5, 2016 nang umano ay maghain ng arrest warrant ang mga pulis laban kay Espinosa dahil sa iba pang kinasasangkutan nitong kaso ngunit nauwi sa madugong barilan sa loob ng nasabing kulungan.

Anak na napaslang na alkalde ang kontrobersyal na si Kerwin Espinosa na isinalang makailang ulit isinalang sa imbestigasyon ng senado kaugnay ng ilegal na droga. (LILY REYES)

285

Related posts

Leave a Comment