198 LIVE TARANTULAS NASABAT SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 198 pirasong live tarantulas na tinangkang palusutin nang walang permit mula sa pamahalaan.

Ayon sa report, ang endangered species (tarantulas) ay idineklara bilang mga thermos mug, at nakatakdang dalhin sa bansang Italy.

Ngunit sa isinagawang 100 percent examination ng X-ray Inspection Project ng Customs Enforcement and Security Services (ESS), nadiskobre na taliwas ang naging deklarasyon ng exporter, sapagkat ang laman ng package ay iba’t ibang klase ng tarantulas.

Agad na isinailalim sa seizure and forfeiture proceedings ang kargamento dahil sa paglabag sa Sections 117 at 1113 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Nakatakda namang ilipat ang mga tarantula sa pangangalaga ng Wildlife Enforcement Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). (FROILAN MORALLOS)

211

Related posts

Leave a Comment