1ST KAPEHAN EVENT SA BOC TAGUMPAY

NAGING matagumpay ang 1st Kapehan event kasama si Bureau of Customs District Collector Maritess T. Martin na isinagawa sa bakuran ng Davao Customs House kamakailan.

Ang nasabing informal na pagtitipon ay nagkaloob ng kakaibang platform para sa stakeholders mula sa iba’t ibang sectors, upang makisali sa tapat na talakayan kay District Collector Martin at sa kanyang team.

Ang pangunahing layunin ng nasabing okasyon ay para isulong ang open dialogue, paghikayat sa stakeholders na ipahayag ang kanilang mga alalahanin, magbahagi ng mga kaalaman at pagtalakay ng mga isyu na may kinalaman sa customs operations, sa isang relaxed and collaborative environment.

Nagsimula ang okasyon sa nakai-inspire na mensahe mula kay District Collector Martin, na binigyan-diin ang transparency, pagtutulungan at para sa mas mabilis na pagtugon ng customs bureau.

Ang stakeholders, na nagrerepresenta sa trade, logistics, at customs brokerage, ay aktibong nakiisa sa talakayan.

Ang talakayan ay umikot sa ‘streamlining’ ng customs processes, pagpapasimple ng documentation requirements, at pagtugon sa mga hamon na kinahaharap ng importers at exporters.

Si District Collector Martin at ang kanyang team ay nangako sa nasabing talakayan na seryoso at nagtatrabaho sila para sa implementasyon ng kaukulang mga pagbabago upang mapaganda ang mga pamamaraan ng customs.

Ang 1st Kapehan event ay naging matagumpay sa ilalim ng dedikasyon ng Bureau of Customs para sa pagpapalawak ng kultura ng pakikipagtulungan at transparency.

Kaugnay nito, pinahalagahan ng stakeholders ang oportunidad upang maka-connect nang direkta kay District Collector Martin at sa kanyang team at nagpahayag ng kanilang pasasalamat para sa okasyon.

Dahil dito, ang Customs Davao ay nagnanais din na mag-host ng regular na Kapehan events upang mamantina ang kasalukuyang ugnayan sa stakeholders upang epektibong natutugunan ang mga alalahanin, mapahusay ang mga proseso ng customs at pamamaraan hinggil dito.

(JO CALIM)

181

Related posts

Leave a Comment