2 BEBOT ITINUMBA SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang dalawang babae kabilang ang isang umano’y “asset” ng mga pulis sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Sta. Rosa City at sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Linggo.

Dalawang tama ng bala ang tumagos sa katawan ng biktimang si Cora Obo Alojado makaraang pagbabarilin ng suspek na kinilalang si Honorio Dela Cruz sa Sitio Iraq, Brgy. Macabling, Sta. Rosa City alas-3:00 noong Linggo ng hapon.

Bumibili ang biktima sa tindahan nang barilin ng suspek na pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Agad binawian ng buhay ang biktimang sinasabing isang “asset” ng Sta. Rosa PNP Intel Division. Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen.

Samantala, sa bayan ng Sta. Cruz, nagtatanim sa hardin sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Gatid ang biktimang si Marian Rosales Molera nang malapitan itong pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek habang idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)

175

Related posts

Leave a Comment