Huli sa pinagsamang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region Office XI at Bureau of Customs NAIA sa tulong ng Bureau of Customs Davao, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), BOC-Intelligence Group at BOC-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) ang dalawang claimants ng “party drugs” o ecstasy sa Davao City.
Sa pamamagitan ng pinaigting na profiling ng BOC-NAIA frontliners, natuklasan ang 494 pirasong tableta na nasa pag-iingat ng Central Mail Exchange Center o CMEC.
Dahil dito, agad silang nakipag-ugnayan sa PDEA, NAIA-IATDG na kung saan ay isinagawa ang kaukulang chemical laboratory analysis.
Ito ay matapos na makumpirma na ang nasabing kargamento ay naglalaman ng ecstasy.
Pormal namang i-turn over ng BOC-NAIA ang illegal drugs sa PDEA noong nakaraang Enero 18 para sa profiling at agad na isinagawa ang case build up laban sa importers at iba pang responsableng mga tao para sa pagsasampa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may kaugnayan sa Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.
Kaugnay nito, kamakailan ay isinagawa ang pag-aresto sa dalawang claimants-suspects sa Davao City na nakilalang sina Christian Sulla at Kenneth Cajoles.
Tiniyak naman ng BOC-NAIA ang kanilang aktibong pakikipagtulungan sa PDEA at NAIA-IATDITG gayundin sa iba pang units ng Bureau of Customs para lalo pang mapalakas ang anti-illegal drugs campaign ng ahensiya. JOEL O. AMONGO
154
