2 COVID DEATHS NADAGDAG SA MALABON

NAKAPAGTALA ng tig-isang patay dahil sa COVID-19 ang Brgy. Longos at Brgy. Baritan sa Malabon City noong Marso 2.

Bukod dito, dalawa ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw at sa kabuuan ay 6,959 na ang positive cases sa siyudad, 328 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Baritan (2), Catmon (1), Dampalit (1), Hulong Duhat (1), Ibaba (1), Longos (8), Niugan (4), Panghulo (2), San Agustin (1), Santulan (1) at sa labas ng Malabon (2).

Habang 55 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Ang mga ito ay mula sa Barangays Catmon (11), Dampalit (9), Hulong Duhat (3), Ibaba (2), Longos (2), Maysilo (10), San Agustin (1), Santulan (10), Tinajeros (1) at Tugatog (6).

Sa kabuuan ay 6,374 na ang recovered patients ng lungsod at 257 ang namatay dahil sa pandemya.

Samantala, 32 naman ang nagpositibo sa Navotas habang pito ang gumaling habang umakyat na sa 383 ang active cases sa lungsod.

Sumampa naman sa 6,169 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, sa bilang na ito ay 5,593 na ang gumaling at 193 ang namatay. (ALAIN AJERO)

120

Related posts

Leave a Comment