2 FAKE PDEA AGENTS LAGLAG

DALAWANG nagpanggap na mga ahente ng PDEA matapos manghingi ng pera mula sa nakakulong na drug suspect, ang inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng PDEA Intelligence and Investigation Service, Philippine Navy’s Naval Intelligence & Security Force (NISF) at Anti-Organized Crime Unit of the PNP Criminal Investigation and Detection Group (AOCU-CIDG)

Kinilala ang dalawang suspek na sina Carla Saylon Alumno, 37-anyos, na gumagamit ng mga alyas na “Janet Flores” at Jermay Plarisan,” at 27-anyos na si Jessica Daming Salapar, kapwa inaresto ng composite team sa Cavite.

Ang mga suspek ay nagpakilalang mga miyembro ng Rektang Puna News Media at pawang mga residente ng Trece Martires, Cavite, na nahulihan ng fake PDEA identification cards.

Si Alumno ay nagpapakilala bilang isang PDEA Intelligence Officer, na naghingi ng P50,000 mula sa pamilya ni Marco Camatoy na naaresto ng PDEA at police forces noong Nobyembre 3, 2021 dahil sa pagbebenta ng anim na kilo ng pinatuyong marijuana.

Ang pamilya ni Marco Camatoy ay nagbayad ng nasabing halaga sa pamamagitan ng money transfer kapalit ng paglaya ng una.

Subalit hindi natupad ang ipinangako ni Alumno na makalaya si Camatoy, sa halip ay muli itong humingi karagdagang P8,000 para sa swab test ni Marco at P3,000 bilang bagong bayad.

Sina Alumno at Salapar na kinasuhan na sa kanilang pangingikil, ay nakakulong na sa AOCU-CIDG Custodial Facility sa Camp Crame. (JOEL O. AMONGO)

495

Related posts

Leave a Comment