2 HOLDAPER TIKLO SA GUN BAN

NASAMPULAN sa umiiral na Comelec gun ban ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang matimbog sa harap ng isang bahay sa Kapitan Tikong Street, Malate, Manila noong Miyerkoles ng umaga.

Nahaharap sa kasong robbery holdup at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to Omnibus Election Code, ang mga suspek na sina Jimboy Colinares, 32, at Bryan Teologo, 26-anyos.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District- Malate Police Station 9, bandang alas-6:30 ng umaga nang matimbog ang mga suspek sa inilatag na follow-up operation sa nasabing lugar

Una rito, nagpasaklolo ang isang 29-anyos na singer/manager ng isang restaurant na hinoldap umano ng mga suspek bandang 8:30 ng umaga habang naglalakad sa naturang lugar.

Kinuha umano ng mga suspek ang wallet ng biktima na naglalaman ng mga ID at P14,000 cash, gayundin ang cellphone nito.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

(RENE CRISOSTOMO)

329

Related posts

Leave a Comment