2 ‘JUMPER BOYS’ BINITBIT NG MPD

INIHARAP ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang ‘jumper boys’ sa viral video sa social media matapos silang maaresto sa follow-up operation ng MPD Station 1 sa pamumuno ni PLt.Col.Ronald De Leon. (ITOH SON)

MAKARAANG mag-viral sa social media ang pagnanakaw ng tinaguriang “Jumper boys” sa isang truck sa Road 10, natunton at nadakip ang dalawa sa mga ito habang nagsusugal ng cara y cruz sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni Manila Police District Director Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad, ang nadakip na mga suspek na sina alyas “Eusebio”, 24, at “Mark”, 21, kapwa ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ni Police Captain Ryan Jay Balagtas, 10 Charlie Line Beat 2 commander, bandang alas-1:20 ng hapon, nagsagawa ng “Oplan Pagtugis” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito nang mamataan sa pagitan ng Building 14 at Building 16 habang nagsusugal ng cara y cruz.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) habang ang isa ay may dagdag na kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) makaraang makumpiskahan ng baril.

(RENE CRISOSTOMO)

156

Related posts

Leave a Comment