ARESTADO ang dalawang most wanted person sa isinagawang Simultaneous Anti-Crime Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District, sa direktiba ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, sa Tondo at Malate, Manila.
Unang iniulat ang pag-aresto kay alyas “Michael”, 40, top 7 most wanted person, traffic enforcer, sa Wagas St., Tondo dahil sa kasong carnapping.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Paul Jady Doles, commander ng Sampaloc Police, bandang alas-5:00 ng hapon noong Miyerkoles nang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Dinah Aguila-Topacio, ng Regional Trial Court Branch 42 ng Manila.
Samantala, bandang alas-6:25 noong Miyerkoles ng gabi nang arestuhin ng MPD-Malate Police si alyas ” Romeo”, 35, stage crew, sa Malate, Manila, dahil sa kasong 3 counts ng panggagahasa.
Si Alyas “Romeo” ay top 3 most wanted person ng pulisya. RENE CRISOSTOMO)
