2 NPA SQUAD LEADER, PATAY SA SAGUPAAN

PATAY ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ang mga miyembro ng 72nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa Purok 3, Brgy. Malire, Antipas, North Cotabato noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na sina alyas “James” na taga Paquibato District nitong lungsod at isang alyas “Nimno” na taga Davao Del Sur at parehong mga squad leader ng mga komunista.

Ayon sa ulat ng militar, nasa 30 miyembro ng Guerilla Front 53 ang kanilang naka-engkwentro sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang rebelde.

Napag-alaman na lima pang kasamahan ng mga biktima ang nasugatan ngunit nakatakas.

Narekober ng mga tropa ng gobyerno mula sa encounter site ang isang M14 bandolier, mga bala ng M14 rifle, improvised explosive device (IED), anti-personnel mine, IED detonator, medical paraphernalia, subersibong dokumento, mga personal na kagamitan at food supply ng mga rebelde.

Nangyari ang sagupaan matapos makatanggap ang 72nd IB ng tip na may presensya ng mga armadong grupo sa nasabing lugar. (DONDON DINOY/JESSE KABEL)

150

Related posts

Leave a Comment