NADISKUBRE ng Department of Health (DOH) na may bagong kaso ng “United Kingdom variant” at mayroon na ring anim na kaso ng South African variant ng COVID-19 kung saan dalawa sa mga ito ay residente ng lungsod ng Pasay.
Natunton ng DOH ang dalawang pasyente na aktibo sa bagong uri ng COVID-19 sa Pasay nang pag-aralan nito ang mabilis na paglaki ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit.
Bunga nito, 77 barangay na ang inilagay sa istriktong localized lockdown ng pamahalaang lungsod.
Pinaniniwalaang ang pagkakaroon ng bagong uri ng COVID-19 ang nagpasirit sa bilang ng nasabing virus sa Pasay.
Ipinaliwanag ng DOH na “Two of the local cases, a 61-year-old female and a 39-year-old male, are active cases being managed by Pasay City.
The third local case [also in Pasay], a 40-year-old male, has already recovered”.
Bukod sa Pasay, dalawa sa nagkaroon ng South African variant ay mga nagsibalik sa bansa na overseas Filipino workers (OFW) at ang isa pa ay inaalam pa kung saang bansa nagmula. (MARINHEL T. BADILLA)
192
