CAVITE – Patay ang dalawang motorcycle rider sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Joshua Sankey Tonye Nled, 23, isang Cameroonian national, ng Santa Rosa Tagaytay Road, Puting Kahoy, Silang, Cavite, at Jester Llandelar, 25, ng Purok 1, Brgy. Timbau Biñan City, Laguna.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, minamaneho ng Cameroonian national ng kanyang motorsiklong Russi habang binabagtas ang direksiyon ng Palapala galing sa Silang dakong alas-10:43 noong Miyerkoles ng umaga ngunit pagsapit sa Brgy. Sampaloc 2 sa kahabaan ng Aguinaldo Highway ng naturang lungsod nang bumangga ito sa isang kongretong poste na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Minamaneho naman ni Llandellar ang kanyang pulang motorsiklong Ducati habang isang Yamaha Mio ang isa pang rider na si alyas “Luta,” angkas ang kasama sa trabaho, habang binabagtas ang Sito Manggahan, Brgy. Manguyam, Silang, Cavite dakong alas-9:40 ng umaga noong Miyerkole.
Nawalan umano ng kontrol sa manibela si Llandellar na nagresulta sa pagsalpukan ng dalawang motorsiklo habang binabagtas ang opposite direction sa lugar.
Isinugod ang tatlo sa Estrella Hospital ngunit ngunit idineklarang dead on arrival sa Llandelar. (SIGFRED ADSUARA)
