2 PATAY SA SALPUKAN NG JEEP AT TRICYCLE

QUEZON – Dalawa ang patay sa salpukan ng pampasaherong jeep at isang tricycle sa Tayabas City sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng Tayabas Police, nagkaagawan ng linya ang dalawang sasakyan sa isang makipot na tulay sa Tayabas Diversion Road sa Barangay Ilayang Nangka dakong alas-7:00 ng gabi.

Magkasalubong umano ang dalawang sasakyan ngunit nagipit ang pampasaherong jeep habang paparating sa makitid na tulay kaya nabangga nito ang kasalubong na tricycle.

Sa lakas nang pagkasalpok, matinding nasugatan ang driver ng tricycle na si Arnod Reforsado Gonzales, 41, at isang hindi kilalang pasahero nito na mabilis na isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Arestado naman ang driver ng jeep na si Ryan Efe Enriquez, 39, residente ng bayan ng Lucban, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide. (NILOU DEL CARMEN)

116

Related posts

Leave a Comment