2 PINOY PATAY SA NAHULOG NA TRAK SA DAGAT; DFA AAYUDA

DAF12

(NI KIKO CUETO)

PATAY ang dalawang Pinoy sa nangyaring aksidente sa Palau Islands, ayon sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs.

Sa report ng Philippine Consulate General sa Guam (na nangangalaga sa mga Pinoy sa Palau Islands), sinabi nito na may tatlong Filipino na siyang sangkot sa aksidente.

Sinasabing isang flatbed truck na nawalan ng kontrol at nahulog sa dagat noong ika-29 ng Setyembre ang dahilan ng kanilang pagkamatay.

Namatay ang dalawa sa tatlong mga Pinoy at nakaligtas naman ang isa.

Tikom pa ang bibig ng DFA sa ibang detalye, pero nakipag-ugnayan na ang mga tauhan ng  Philippine Consulate General sa Guam sa mga awtoridad sa Palau upang agad na madala sa Pilipinas ang mga labi ng mga biktima.

“Based on initial investigation, Palau authorities do not believe there was foul play involved during the accident,” ayon sa DFA.

Sasagutin naman umano ng employer ang gastos sa pagpapauwi ng mga labi ng dalawa, dagdag ng DFA.

Magbibigay naman umano ang konsulada ng Pilipinas ng tulong sa Pinoy na nakaligtas sa aksidente.

 

138

Related posts

Leave a Comment