2 PULIS MINALAS SA SARILING ARMAS

PATAY ang dalawang pulis makaraang aksidenteng maputukan ng kanilang baril sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Bukidnon at Davao City.

Sa Bukidnon, habang naglalakad umano ang biktimang si Police Chief Master Sargeant Norman Nogalo, nakadestino sa Department of Operation-Malaybalay City Police at residente ng Purok 4, Brgy. Agalayan, Malaybalaly City, nang biglang pumutok ang baril nito.

Tinamaan umano ng bala sa paa ang biktima. Dinala ng mga saksi ang biktima sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro ngunit nalagutan ng hininga dahil naubusan ng dugo.

Sa Davao City, habang nakaupo ang biktimang si Staff Sgt. Renante Dapa Mercado para kumain, ay inilapag nito sa mesa ang kanyang baril ngunit bigla na lamang itong pumutok.

Pagkaraan ay nabuwal ang biktima dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo na tumagos sa kaliwa. (ANNIE PINEDA/DONDON DINOY)

 

184

Related posts

Leave a Comment