2 RAPE SUSPECTS, NABITAG NG PNP-PRO5

DALAWANG lalaki na kapwa inakusahan ng panggagahasa ng mga menor de edad, ang dinakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, sa isinagawang law enforcement operation sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur.

Ayon sa ulat, pasok sa selda ang isang 80-anyos na lalaki matapos arestuhin sa Ligao City, Albay dahil sa umano’y panggagahasa ng isang trese anyos.

Ayon sa isinumiteng report ng Albay Police Provincial Office kay Gen.

Estomo, inaresto nila ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng korte noong Nobyembre 21, 2021 dahil sa kasong 2 counts ng rape.

Noong Setyembre 2020, nagtungo ang 13-anyos na biktima kasama ang kanyang ina, sa Ligao City Police Station para isumbong ang umano’y panghahalay ng suspek na kanilang kapitbahay.

Ayon sa biktima, bigla na lang umanong pumasok sa bahay nila ang suspek na may dalang patalim at siya ay pinagsamantalahan.

Samantala, dinakip din ng mga tauhan ni Bicol PNP chief, P/BGen Estomo ang isang 58-anyos na kagawad na inakusahan ng panggagahasa ng kanyang dalawang pamangkin sa Buhi, Camarines Sur.

Ayon kay Police Major Melvin Alayan, hepe ng Buhi Muncipal Police Station, nahaharap sa kasong 4 counts ng rape ang suspek matapos ang umano’y panghahalay sa magkapatid na kanyang mga pamangkin.

Nasa pangangalaga umano ng suspek ang mga biktima simula nang mamatay ang ina ng mga ito.

“Siya na nagpalaki kasi nung namatay ‘yung nanay, ‘yung tatay ng mga bata, nag-asawa na rin ng iba. Ang sabi ng suspek, hinilot niya lang naman ‘yung mga biktima kasi kung minsan, nagpapahilot daw sa kanya. Mag-iisang taon na itong kaso,” paliwanag ni Alayan.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ng nabanggit na mga suspek. (JESSE KABEL)

178

Related posts

Leave a Comment