2 SENIOR, 38 IBA PA NALAMBAT SA DROGA

CAVITE – Kabilang ang isang lola at lolo sa 40 hinihinalang tulak umano ng ilegal na droga na nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa lalawigang ito, noong Miyerkoles hanggang nitong Huwebes.

Kinilala ang dalawang senior citizen na sina Maria Luisa Ronquillo y Loren, 60, at Segundo De Leon y Camañag, 61-anyos.

Si Lola Maria Luisa ay inaresto dakong alas-8:34 noong Miyerkoles ng gabi matapos na magbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer sa Brgy. 42-C, Cavite.

Hindi naman inakala ni Lolo Segundo na pulis ang kanyang ka-transaksyon matapos magbenta ng hinihinalang shabu dakong alas-9:35 ng gabi noong Miyerkoles sa Racho Verde 2, Brgy. Malainen, Bago, Naic, Cavite na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Habang sa isinagawang buy-bust operation sa apat na lungsod at limang bayan mula ala-1:32 noong Miyerkoles ng madaling araw hanggang alas-3:38 ng madaling araw noong Huwebes ay umabot sa 38 na umano’y tulak ng ilegal na droga ang nalambat ng mga awtoridad.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming bilang na naaresto ang General Trias sa bilang na siyam; sumunod ang Bacoor City sa bilang na anim; habang lima naman sa Silang; tig-apat sa Trece Martires City at Naic; tig-dalawa sa Indang at General Mariano Alvarez (GMA) at tig-isa sa Cavite City at Alfonso. (SIGFRED ADSUARA)

275

Related posts

Leave a Comment